Ang pagdating ng kauna-unahang penny (o puwede ring tawaging piso) auction site na PisoBid.com sa Pilipinas ay pinag-uusapan sa mga blogs, forums, YouTube, Twitter, at siyempre hindi mawawala ang Facebook. Etong exciting na paraan ng pamimili sa internet ay nakakuha ng maraming Facebook likes sa mga Pinoy50,000 na at tumataas pa araw-araw. Ang mga penny auction sites ay laganap na sa ibang bansa pati sa mga karatig-bansa natin dito sa Asya. Eto ang mga strategy na maaring makatulong upang mapanalunan mo ang minimithi mong gadget sa PisoBid.
Magsiyasat at maging matiyaga. Kelangan pag-aralan mong mabuti kung paano ang pagbi-bid at kung ano talaga ang sinasalihan mo. Intindihin mo ang -How It Works- na bahagi ng site. May mga tips din dun na mahalaga para sa mga bagong miyembro. Basahin mo din ang mga komentaryo sa kanilang Facebook fan page at obserbahan ang aktuwal na auction. Pag nagrehistro ka, meron kang limang libreng bid, at maari mong gamitin ang mga bid na eto para maranasan ang proseso. Malay mo ba, kung sinusuwerte ay baka manalo ka sa limang bids lang.
Maging patas at disiplinado. Tandaan na isa lang ang mananalo at walang katiyakan na ikaw yun, kaya pag-isipan kung ilang bids ang kaya mong gamitin para sa isang produkto na plano mong salihan. Sundin kung ilang bids ang itinakda mong limitasyon at huwag sumobra sa budget. Ang produktong iyan ang muling maisasama sa auction block at sa oras na yun, mas magiging handa ka.
Mag-load ng sapat na bid. Siguraduhin na sapat ang bids na nasa account mo lalo na pag sasali ka sa mga malakihang bagay na i-auction. Bumili ng mas malaking bid pack para makamura sa presyo ng bawat bid. Mag-refer din ng mga kaibigan para madagdagan ang bid credit mo. Sa bawat isang na-refer mo na bumili ng bid pack, meron kang dagdag na limang libreng bid. Isa pang paraan para makadagdag ng bid ay ang pagsali sa mga -Bids Back Auctions- o yun mga naka-auction na may markang maliit na martilyo. Kunwari 100-Bid Pack ang nakasalang sa Bids Back Auction, pag natalo ka maari kang bumili ng 100-Bid Pack at libreng maibabalik sa iyo ang mga nagamit mong mga bid sa auction.
Mag-antay at mag-bid ng late. Pag-aralan ang mga auction ng parehong produkto at alamin kung aling presyo madalas matapos ang bidding. Pag malapit na ang presyong yun, mag-bid na. Medyo may hindi katiyakan ang strategy na eto kasi maaring maaga na mapanalunan ang produkto. Kung ganun man ang mangyari, marami ka pang bid na natira at magagamit mo sa ibang produkto o kaya sa susunod na pagkakataong ma-auction uli ang produkto.
Magsaliksik at gumawa ng sariling strategy. Magplano ng sariling strategy ngunit maging maingat sa mga tips o kaya pamamaraan na labag sa mga patakaran ng PisoBid gaya ng pagkakaroon ng maraming account. Kapag nahuli ka, madi-disable ang account mo at mawawalan ka ng pagkakataon na manalo ng electronic gadget, gift certificate, concert ticket, vacation getaway, at marami pang iba. Maglaro gamit ang utak pero huwag manlalamang ng kapwa.
No comments:
Post a Comment